Here goes the "emo" princess
Saturday, April 24, 2010

11:33 PM
Lilinawin ko lang, emo ako in the sense na mahilig ako magreminisce na mga masayang memories which causes me to feel sad. Emotional sa mga bagay-bagay, pero hindi porket sinabing "EMO" eh suicidal type na, at yung mga pakalat-kalat na mga naka tight jeans, black shirts, chucks at with matching makapal na eyeliner. :D
4 years ago nag-take ako ng UPCAT, MAPUA AT at PLMAT. Syempre yung UPCAT ay parang isang malaking joke, di ko naman inaasahan na papasa ako dun. Yung MAPUA AT (Admission test) naipasa ko naman, duon ko talaga gustong mag-aral. KAYA lang, hindi kakayanin ng budget ang tuition, tri-sem pa.. Baka mamaya mapilitan lang ako mag-stop kapag wala ng pang-tuition. Sabi lang ng tita ko, i-try ko sa PLM. Sa totoo lang, wala akong idea dati kung saan ang PLM. Hindi ko talaga nun alam na may nag-eexist na ganung school. :D
Nag-try ako mag-exam at sinuwerte naman at nakapasa. Di ko akalaing maeenjoy ko ang buhay PLMayer kahit na medyo stressful.
1st year
- Isa akong outcast. Di ako sanay makihalubilo, makipag-kilala sa mga tao. Nasanay ako na kung sino classmates ko simula elementary, sila na din hanggang HS. Wala ako masyadong naging kaibigan nun. Kung sino mga kakilala ko na nag-aaral din sa PLM, dun ako sumasama. Di ako masyadong naging close sa mga kaklase ko. Di ko nga alam kung alam nilang nag-eexist ako. HAHA :D
2nd year
- IT first choice ko, at hindi ako nagsisi na yun ang pinili ko. Panibagong pakikisama, buti na lang kahit paano may kakilala na ko (si Malaine at Tin). Hindi naging mahirap ang pag-adjust. Etong school year na toh ang pinakagusto ko, pinaka-hindi ko makakalimutan. Alam niyo naman na siguro kung bakit. HAHAHA. Pero hindi lang naman yun yung dahilan eh. Masaya yung mga overnight, pag-tambay sa Mags, yung FUR ELISE, ANNIV. GIFT at TRESPERADAS. Alam kong hindi rin makakalimutan ng IT Mavenhive yung gabi na dinala ako sa ER dahil nasuka ako ng dugo. HAHA. :))
At siyempre, sinong makakalimot na na-call parent ako dahil mas pinili ko lumabas kesa mag-defense! :D Pasaway eh noh, wala tuloy ako choice nun kundi mag-defense mag-isa! Gumawa ng visual aids from scratch dahil naitapon na ng mga ka-grup ko yung ginamit nilang flowchart. :D Lesson learned: Pag-defense, defense! No backing-out. Bawal ma-tense. Bawal umiyak!
3rd year
- May mga nag-shift. May umalis. At ang pinaka-malupit... RESHUFFLE. Alam mo ba yung feeling na iniwan ka ng lahat ng tao? Ganun ang naramdaman ko sa mga first few weeks ng 1st sem. Nalayo ako sa mga taong ka-close ko, sa mga taong nakakaintindi ng ugali ko. Siyempre, kaylangan ko nanaman mag-adjust kundi, wala akong magiging ka-group. Buti na lang may mga umampon sakin para maging ka-group nila. :)
4th year
- SAD. THESIS. DBMS. APPDEV. STI. Ang hirap kapag sabay-sabay. Halos 1 week kang dilat. Bawal pumikit kasi mapapahimbing ang tulog, baka di na magising. Muntik pang maging alanganin sa ibang subject. 1 taong walang social life, wala ng time para magpunta ng mall, manood ng sine, mag-party... pero ayos lang.. worth it lahat ng sacrifices dahil ngayon, sa wakas... tapos na.. :)
Mamimiss ko toh:
pero siyempre, mas mamimiss ko KAYO. :">
Maraming maraming salamat sa inyo. Naging masaya talaga ako na nakilala ko kayo. Totoo toh, walang halong joke. :) Alam niyo namang lahat na wala akong kapatid, kaya sobrang nagpapasalamat ako kasi na-feel ko sa inyo kung anu yung pakiramdam ng may kapatid. Sana hindi nito natatapos ang pagkakaibigan. :) Keep in touch, madali niyo naman akong mahahanap sa Google eh. :D
at sa mga CompStudies Prof, maraming maraming salamat din. :) Lalo na kay Sir Zaldy (special mention, thesis adviser eh) :D :D :D
Hay, sa totoo lang ang dami ko pang gusto sabihin... kaya lang ang habaaaaa na nito. :) Labels: drama, friends, goodbyes, IT, thank yous
This song's for you.
♥ Charm
|
play
buhaymusikaaaaa
Feel free to leave your comment, but please,
NO BASHING. All I need is for you to respect everything that's in here,
if ever you're not interested on what you are seeing, just click on the
[x] button on the upper right side of the screen, or just press
Alt + F4. Thank you!
sing to her
&& make her heart skip a beat
Charm.
20.
SiNGLE. 100% Pinay.
BSCS-IT graduate at
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. a SOON to be PROGRAMMER / Web Designer, following
the footsteps of her dad.
♥ Music, Photoshop,
Facebook's PetSociety, Fashion Wars and Restaurant City || worth
$1,563,658
More?
Facebook?
myspace?
www.
sing. don't shout.
Main Blog.
Belle.
Lhyzie.
Pearl.
Toni.
If you want to be included here, leave a message on the tagboard. Thanks!
rewind
dig into my past
April 2005 |
May 2005 |
June 2005 |
July 2005 |
August 2005 |
September 2005 |
April 2007 |
July 2007 |
August 2007 |
October 2007 |
November 2007 |
December 2007 |
January 2008 |
March 2008 |
April 2008 |
May 2008 |
February 2009 |
April 2009 |
May 2009 |
July 2009 |
January 2010 |
April 2010 |
February 2011 |
credits
zomg! thanks guys!
Bloghost: Blogger
Images: {
1} x {
2}
Design & Codes: ME. {
1} + {
1}
tag you're it
scream those lungs out!