6:51 AMHuwag kang mag-alala
Nakaukit na sa isip ko
Nakatitig sa’yong mata
Nasa langit na ba ako
Sa lunes aalis ka na
Salamat narin ikaw ay nakilala
Matulog maaga (Para di mamutla)
Huwag mashadong magpupuyat
Inom gamot pag nilalagnat
Sayang din talaga
Pag kausap ka’y sarap sa tenga
Ngiti mong kay ganda
Siguradong mamimiss kita
Minsan lang nagsama
Sa ferris’wheel tabi kita
Salamat narin extended version pa
Doon mag-ingat ka (san ka man magpunta)
Matulog maaga (para di mamutla)
Hinay-hinay lang sa kape
Lalung-lalo na sa tanghali
At bukas aalis ka na
Sayang sana ay nagtagal ka pa
Matulog maaga (Matulog maaga)
Huwag mashadong magpupuyat
Inom gamot pag nilalagnat
Hinay-hinay lang sa kape
Lalung-lalo na sa tanghali
Isa yan sa mga songs ng Silent Sanctuary. Matagal ko ng alam yung song na ya, pero ngayon lang ako makakarelate.
For those who don’t know the reason why he’s leaving.. Eto, He wants to be a seaman, like his dad. Siguro para sa ibang tao, ang babaw ng pangarap niya. Pinipigilan nga namin siya eh, tinanong ko kung sigurado na ba talaga siya, kung di na magbabago isip niya.. Nanghihinayang din kasi kami sa lahat.. Sa 2 years na nag-aral siya ng I.T, parang masasayang lang kasi duon, 1st year ulit siya.. Pero nakapag-decide na daw siya. Yun daw talaga gusto niya, so siguro, dapat maging happy kami sa decision niya.
Wala na kong laban dun.. Pangarap na kalaban ko. Napaisip tuloy ako, bakit kung kelan simula na ng mga magagandang nangyayari samin, biglang may mangyayaring ganito? Na ba’t pinaglapit kami tapos paghihiwalayin din. I may sound corny, pero ganito talaga ko.. XD lalo na kung usapang puso na. Ganun nga siguro talaga “Everything happens for a reason” ..
Sa totoo lang, di naman SUPER layo yung pupuntahan niya, sa Bataan lang naman, sabi nga niya, malapit lang yun.. parte pa din yun ng Pilipinas. hay naku, oo nga naman. Pero naku, ewan, sana lang pagbalik niya dito, matino na siya. Sana magsilibi yun as REHAB para sa kanya. :p